Wednesday, August 2, 2017

Pano makatipid sa Pag-punta sa Boracay



Manila to Batangas – Bus

Unang bahagi ng byahe patungong Boracay ay bus Manila hanggang Batangas Pier ang haba ng byahe ay aabot 2 hanggang 3 oras depende sa daloy ng traffic papuntang batangas. Madalas nagsasakay ng pasahero ang bus habang nabyahe kaya hindi kayo magugutom sa byahe kasi may mga uma-akyat din na nagbebenta ng mga inumin at makakain sa loob ng bus asahan nyo din minsan na siksikan sa loob ng bus kasi pinupuno ito ng pasahero.
a/c bus Php 200.00
Ordinary PHP 149.00

Batangas to Caticlan – Ferry

Pangalawa na bahagi ng byahe ay ferry na patungong Caticlan na umaabot ng 10 oras kung hindi delay ang alis ng ferry. Para hindi kayo ma-abala sa pagsakay pumunta kayo 2 oras bago yung byahe nyo. Madami rin bilihan ng pagkain sa Batangas Pier kaya hindi kayo magugutom habang nag aantay makasakay. Mahigpit din ang security sa Pier kaya huwag kayo mag dala ng mga iligal na droga o kung ano pa-mang ilegal... May mga sniffing dog sila na mag che-check ng mga dala ninyong gamit at mga bagahe. Kung madami kayong dalang gamit pede kayo magpatulong sa Porter may bayad ito depende sa dami ng mga dalang gamit.
Environmental Fee Php 50.00
Terminal Fee Php 30.00
sa loob ng ferry....
May libreng pagkain pero kung maselan ka may canteen naman sila na pedeng kainan at may mga pedeng ulam na pedeng pamilian yun lang may bayad na yun hindi na libre. May drinking station sa libreng tubig na inumin at charging station ng mga gadyet, may bar na pede kang maglasing pede ka rin mag videoke habang nasa gitna kayo ng karagatan....
via 2go Travel
SUPER VALUE CLASS Php 715.71
TOURIST CLASS Php 938.93
CABIN FOR 4 Php 1,206.79

Caticlan to Boracay – Boat

Pagkadating nyo sa Caticlan sasakay pa ng bangka aabot ito ng 15 hanggang 20 minuto. May susulatan lang muna kayo na form kung saang lugar kayo galing atbp basta form yun 😀
Environmental Fee Php 75.00
Terminal Fee Php 100.00
boats/bangkas Umaga 25.00
Gabi 30.00
pag nasa Boracay na kayo mag tricycle kayo kung saang lugar kayo mag-iistay..
Tricycle Php 25.00-150.00
Eurotel
Overnight Promo as of May 2017
10hrs stay 800.00

Room 3 days 2 nights 950.00 per pax